Tinagalog para sa masa!

Kung binabasa mo ito ngayun, malamang napanood mo na ang aking mga bidyo sa YouTube o kaya, follower kita sa twitter.. So bakit ka nga ba andito? Aba ewan ko sa’yo.. joke lang, ayokong simulan tong talata ko ng parang nag-sesermon, kaya ngumiti ka at basahin ang aking kwento ^_^

Ang pangalan ko ay Steven, a.k.a Estib Vhen ako ang lumikha ng pinaka corny at walang ka kwenta kwentang palabas na MegaToon TV .. Ang tawag ng YouTube sa akin ay “Content Creator”, astig pakingan ano? Pero sa madaling salita ako ay isa sa mga taong palaging nag-uupload ng video sa YouTube.. kaya nga content creator eh.. wehehehe.. (sensya na, na-sobrahan lang ako sa choconut kaya hyper utak ko)

Anyways… bak to Youuuuu Tube!

Alam nyo mga pre’ mahigpit si YT (YT, na lang ah.. kaka-pagod mag type ng YouTube). Hindi ka pwedeng gumamit ng mga music, videos at images na hindi ikaw ang gumawa.. dahil kapag inupload mo ito.. ang tawag dyan “Copyright Infringement”.. tsk, tsk, tsk.. makukulong ka ng 99 years kapag na-huli ka! Hehehe joke, actually kapag naka-3 kang strike, ipapasara ni YT ang channel mo.. At maari ka pang ma-demanda dahil nga copyright.. isipin mo na lang bawal ang ma-mirata.. oki? DVD? DVD?

So, paano ko inu-upload mga video ko para hindi ma strike ng copyright? Una, lahat ng video software na ginamit ko ay binili ko ng original, tapos ako rin ang gumagawa ng mga cartoons, ako rin ang nag-vo-voice over.. Oo boses ko lahat yun! Obvious ba? Tapos yung mga naririnig ninyong background music at special effects binayaran ko yun sa pamamagitan ng network ko..

Okay, so siguro by this time na iintindihan nyo na ang lahat ng pinag-daanan ko sa bawat video..Ano kaya mo pang mag-basa? or ina-antok ka na.. sige basa pa.. adik 😛 Siguro, nag-tataka ka bakit ko ginagawa ang lahat ng eto? Well, dalawa na tayo.. hindi ko rin alam eh.. hehehe ok serious na, kaka-pagod mag type eh..

Ginagawa ko toh, kasi eto ang pangarap ko mula noong bata pa ako.. Ang gumawa ng cartoons at ang mam-peste ng mga tao sa corny jokes 😛 Trabajo ko ba eto? Hindi po, hobby ko lang eto.. in short “labor of love”.. pero kumikita rin ako ng pera sa pamamagitan ng “google adsense” sa mga video ko. Gaano ka laki kita ko? hmmm.. secret 😛

Isa pa, gusto kong ipakita sa mundo na kaya rin nating mga pinoy ang gumawa ng sariling cartoons at hindi na kelangan pang i-tagalize yung mga foreign movies.. alam ko kaya nating mga pinoy, marami sa mga Disney & marvel animator eh pinoy.. Ang tinutukoy ko ay ang mga amateur pinoy na gustong mag-animate. Kung kaya ko im sure kaya nyo rin!

Okay move naman tayo sa “piracy”

Alam nyo mga pre’ sa tuwing ni-rereupload ninyo ang mga YT videos ko.. Medyo nawawalan din ako ng kita sa google, nawawalan din ng taong na-nonood, nawawala rin yung mga nag-share at like.. Diba kapag meron kang pinag-hirapan natutuwa ka kapag nakikita mong may nag la-like ng video mo, meron nag-share at meron kang natatangap na pera sa google? Hindi ako malaking kumpanya pre’ isang maliit at hindi kilalang animator lang ako na nag-papasaya sa mga tao sa pamamagitan ng cartoons.. Siguro iisipin mo na tinutulungan mo ako sa tuwing pinipirata mo video ko.. pero hindi eh, kabaliktaran ang nangyayari..

Katulad ng sinabi ko hobby ko lang toh, anytime pwede ko itong i-hinto.. sayang naman diba? Sayang naman dahil lang sa mga taong hindi maka-intindi ng piracy..If you want to help me pre’ share my videos, wag mo ng i-reupload.. Gusto mo gumawa ka pa ng FB fanpage na megatoon, basta i-link mo na lng video ko.. Dadami pa ang views at matutulungan mo pa ang isang “Content Creator”..

Alam kong matatalino ang mga pinoy, at alam kong may puso ang mga pinoy.. kung kayat sinulat ko eto sa tagalong.. walang fancy English, direct to the point na parang nag ku-kwentuhan lang tayo.. Sana may na pulot kang aral at sana suportahan mo rin ang mga content creator.. dahil kung wala ang supporta ninyo, wala rin kami..

Mula sa isang walang kwentang Content creator…